X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Alex Gonzaga At Daddy Bonoy Nag-Trending Dahil Sa Kanilang Jeepney Ride Vlog, Namigay Pa Ng Isang Daan Sa Mga Pasahero

by | Posted on: January 12th, 2020 | No Comments | Pinoy Vlogger

Ang jeepney ride video ng mag-amang Alex Gonzaga at Charlito “Bonoy” Gonzaga ay humakot ng maraming views partikular na sa Youtube.


Ibinahagi ni Alex na nung maliit pa sila ng kaniyang ate na si Toni Gonzaga ay meron silang jeep at ang daddy Bonoy nila ang namamasada.

“Nung bata kami meron kami dating dyip. Ang daddy ko ang namamasada noon. Tapos ang gagawin namin ng ate ko sasama kami tapos ending naging pasakit ako sa mga pasahero kasi natutulogan ko sila,” sabi ng Kapamilya star.

Nagkataon din na nung gawin nila ang parang vlog challenge ay kaarawan ni Alex. Kaya, naghanda ang artista ng munting regalo sa mga pasahero na kanilang mahakot sa kalsada.

“Dahil birthday ko mamimigay pa ako ng isang daan. Kahit magkano ang sukli nila ibabayad nila sa akin, heto ang isusukli ko sa kanila,” sabi pa niya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento ng vlog ni Alex Gonzaga na may pamagat na “Jeepney Ride by Alex Gonzaga”.