Pinoy Box Break

Loading...
Loading...

Ang Hapon Na Iniwan Ng Kaniyang Pinay Na Asawa Ay May Trabaho Na At Ang Sahod Ay 90K Tuwing Buwan

by | Posted on: February 15th, 2019 | No Comments | Viral Stories
twitter share button

Si Mr. Hiroyuki Saito Tejima ang Hapon na iniwan ng kaniyang pinay na misis ay may trabaho na at sumasahod ito ng 90K pesos tuwing buwan.

Ang update na yan ay galing mismo kay idol Raffy Tulfo ng bumisita si Mr. Tejima sa programa ng Wanted sa Radyo kamakailan lamang.

Ayon kay idol Raffy si Mr. Tejima ay nagtratrabaho ngayon sa isang call center sa may ortigas. Dahil meron siyang kakayahan na magsalita ng tatlong linguahe (Filipino, English at Japanese) madali siyang nakakuha ng trabaho.

Sa kasalukuyan daw marami ang nagte-text sa Hapon na gusto siyang maging boyfriend. Tinutukso pa nga ni idol Raffy ang kaniyang co-host na si Sharee Roman sa kanilang naging panauhin.

Sabi pa ni Mr. Tejima, ang kaniyang anak daw na panganay at ang bunso ay nasa kanila ng ina pero ang dalawa niya pang mga anak ay nasa kaniyang kustudiya.

Patuloy pa din ang suporta ng Raffy Tulfo in Action team sa Hapon at nangako ito na tutulongan nila sa mga gastusin na para sa mga bata kasi lilipat na sila mula Cavite patungo sa lugar na malapit sa pinagtratrabahohan ni Mr. Tejima.

Loading...

Leave a Reply