
Ano to ang nasa instagram post ni Liza Soberano kung saan meron siyang “tadyak moment” sa kaniyang ka loveteam na si Enrique Gil.
Heto pala ay mga sneak-peek photos para sa kanilang bagong pelikula na “Alone/Together”.
Ayon sa ABS-CBN Entertainment, si Enrique ay isang taga-Unibersidad ng Pilipinas bilang si Raf habang si Liza naman ay si Tin na taga-University of Santo Tomas.
Gamit ang kanilang official instagram accounts, ang dalawa ay tila nag-sasagutan.
“España to philcoa araw araw? kahit baha pa, kahit mag cut pako, makita lang kita tin parang naka uno na rin ako. #naks #hindiitobola” sabi ni Enrique.
“#KungSaan tayo kumakain ng combo meal 3 bago tayo tumambay sa Sunken. Kahit dugyot na pagdating dito, pogi pa rin. 😻 Pero Raf wag ka na mag-cut please. Isama kita sa Lantern Parade basta wag ka lang mag-cut.” sagot ni Liza.