Si Ferdinand De Genez bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong para makuha ang pera naibigay sa kaniyang dating girlfriend.
Ayon sa kaniyang sumbong habang nasa America raw siya at nagtratrabaho bilang isang security guard ay nagpapadala siya ng pera sa kaniyang kasintahan na nasa Pilipinas.
Ito daw ay para sa pagpapagawa ng bahay sana nila subalit ang kaniyang dating girlfriend na si Dalrymple Milan ay nag-asawa ng iba nung 2016.
Isang long distance relationship ang nangyari sa dalawa at sa pamamagitan lamang ng isang mobile app sila nagkikita.
“Nagkikita lang kami sir sa facetime,” sabi ni Ferdinand kay idol Raffy. “Never been touched, never been kissed sir,” sabi pa niya.
Subalit ng tawagan na ng programa si Dalrymple para mapakinggan ang kaniyang panig doon nalaman na niloko niya pala ito dahil nagpakilala siyang binata subalit may asawa naman pala si Ferdinand.
“May asawa po siyang dalawa tapos sa US po may asawa rin po yan,” sabi ni Dalrymple.
Napakamot na lang ng ulo si idol Raffy at napa-inom ng tubig sa kaniyang narining mula sa dating kasintahan ng complainant.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.