Pinoy Box Break

Bitag: Ben Tulfo Pinagso-sorry Ang Kaniyang Utol Nagsabi Na Tamad Ang Pinoy | March 13, 2019

by | Posted on: March 13th, 2019 | No Comments |

Ang lead man ng programang Bitag na si Ben Tulfo ay nanawagan sa kaniyang utol na mag-sorry sa kaniyang binitawang salita na tamad ang mga Pinoy.

Hindi man diretsahang pinangalanan ni Ben Tulfo kung sino ang kaniyang pinariringan pero sa thumbnail at sa title ng kaniyang youtube video lumalabas na ito ay si Ramon Tulfo na kapatid niya.

Ayon kay Mr. Tulfo, pagpasensyahan na lang raw si Mon dahil baka ito’y parte lamang ng kaniyang senyor moments.

“Pagpasensya na nyo ho siguro dahil yan baka nalito na ho siya dahil baka may mga senior moment na eh,” sabi ni Ben.

Tinalakay din niya ang pagkakaiba ng Alamat ni Juan Tamad at ang Alamat ni Juan dela Cruz na isang masipag at matiyaga.

Ipinaliwanag din ni Ben na kahit iisang dugo ang dumadaloy sa kanilang mga magkakapatid pero pagdating sa pananaw at prinsipyo sila’y magkaiba.

Pinayuhan din ni Ben ang kaniyang nakakatandang kapatid na huwag gamitin ang folklore na Juan Tamad para maging basehan at tawagin ang Pilipino na tamad.

“Hindi mo pwedeng gawing basehan na iyong persepsyon o pananaw sa Pilipino tapos sabihin mo ang Pilipino tamad! Mali! Maling-mali ka diyan magsorry ka,” sabi ni Ben Tulfo.

Panoorin ang buong video sa itaas para malaman ang buong istorya.

Leave a Reply