Ang mag-asawang Ronald at Shammarie Del Rosario ay nagtungo sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para isumbong ang isang board member sa Laguna.
Ayon sa kanila, nagumpisa raw ang gulo ng bastusin sila ng Jordanian na kasintahan ni Bokal Abigael Alonte na isang board member sa unang distrito ng Laguna.
Sinabihan daw si Mrs. Del Rosario ng “p****** ina mo ng Jordanian pagkatapos itong tanungin kung bakit ito masyadong mabilis magmaneho.
Pagkatapos nun bumaba sa sasakyan ang nasabing nobyo ni Bokal Abigael at ganoon na din si Mr. Del Rosario. Ayon kay Shammarie, itinulak ng banyaga ang kaniyang asawa habang sila’y nagkakaroon ng argumento.
Nasilayan ni Ronald na ang plaka ng kotse na minamaneho ng Jordanian ay red plate at agad-agad sinabi niya ito sa kaniyang asawa.
Dahil meron ding alam sa batas si Shammarie, siya’y nagtaka kung bakit alas dose na ng hating-gabi nasa kalsada pa din ang sasakyan na pagmamay-ari ng pamahalaan.
“Bilang ako na may alam din sa batas sabi ko ‘oh red plate pa pala yan alas dose ng gabi sinong gumagamit niyan foreigner pa,” paliwanag ni Shammarie.
Pagkatapos nun, dun na niya na ka engkwentro ang galit na government official base sa kaniyang pahayag.
“I’m not supposed to video that incident, however may babaeng bumaba at sumisigaw bakit tigasaan ka, tigasaan ka, galit siya,” sabi ni Shammarie.
“Sabi niya Alonte ako, Alonte ako. Ipinagsisigaw niya sa akon na Alonte daw siya. Then to realize na siya pala ang Bokal member namin or board member ng 1st district ng Laguna na si Abigael Alonte,” sabi pa niya.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong pangyayari.