The Department of Labor and Employment answer more queries surrounding its COVID-19 Adjustment Measures Program or also known as “CAMP”.
One of the queries DOLE able to address is the question of whether the 5,000 pesos are going to be deducted to the salary of the employee. Likewise, questions like if the employee doesn’t have a payroll/bank account as well as the funds of DOLE for its CAMP program.
Here is the MOREFAQ published by DOLE last March 27.
Q: Para sa private employees lang ba ang CAMP? Paano ang mga drivers, ambulant vendors, marginalized farmers at fisherfolks, at iba pang walang employer o nasa informal sector?
A: Ang CAMP ay para sa mga salaried formal sector workers na may employer-employee relationship. Ang DOLE assistance para sa informal sector ay ang Tupad #NKNK (Barangay Ko, Bahay Ko) or emergency employment.
Q: Covered ba ang mga construction workers na nawalan ng income dahil sa temporary closure?
A: OO. Oo kung ang worker ay actively employed o may ongoing contract sa employer bago ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine.
Q: Totoo bang ubos na ang pondo para DOLE CAMP?
A: Hindi. Mayroong sapat na pondo ang pamahalaan para dito.
Q: Ikakaltas ba sa sweldo ng empleyado ang Php 5,000 CAMP financial assistance?
A: Hindi. Ito ay tulong pinansyal ng gobyerno at hindi dapat ikaltas sa sahod ng empleyado.
Q: Paano kung walang payroll account ang manggagaw? Saan makukuha ang financial assistance?
A: Kung walang payroll account ang empleyado, sa pamamagitan ng money remittance matatanggap ang tulong pinansiyal.
Q: Covered ba ang mga naka-maternity leave?
A: Hindi. Dahil sila ay bayad ng buo at ang kanilang leave ay hindi dahil sa COVID-19.
Q: May deadline ba sa pag-submit ng CAMP application?
A: Wala. Mas mabuting mai-submit agad ang CAMP application sa DOLE upang ito ay agarang maproseso.
Q: Paano kung kulang ang application documents?
A: Hindi mapoproseso ng DOLE ang mga application na kulang-kulang ang detalye, tulad ng mga pangalan, pirma, a iba pa.
Q: King ang kumpanya ay still in operation at naka-work from home arrangement, hindi na ba pwede mag-apply sa CAMP?
A: Pwede pa din mag-apply kung naka-work from home arrangement, provided na ang mga empleyado ay nakaranas ng income loss or reduction.
Q: Covered ba ang top management sa CAMP?
A: Hindi. Hindi covered ang top management katulad ng President, Vice President, Chief Executive Officer, Chief Operating Officer, Executive Director, Members of the Board, at iba pang high-ranking positions.
Q: Sa establishment Report Form, kailangang ilagay kung ang sahod ng empleyado ay daily o monthly. Paano kung weekly ang salary?
A: Maaring ilagay ang weekly sa form kung arrangement ng pasahod ay weekly.