Nag-iwan ng marka si Filipino-American pugilist Jackie Buntan noong Biyernes ng gabi ng talunin niya si Thai Nat Jaroonsak sa ONE: Fists of Fury sa Singapore Indoor Stadium.
Sa isang three-round muay Thai contest at maituturing rin na isang upset, tinalo ni Buntan si Jaroonsak, na kilala rin bilang Wondergirl Fairtex.
Itinakda ni Buntan ang tono para sa laban. Sa katunayan, napatumba nito si Jaroonsak sa huling segundo ng Round 1 sa pamamagitan left hook.
Nakabangon si Jaroonsak sa walong bilang ngunit nahirapan na siyang maka-recover. Samantala, nanatiling agresibo si Buntan patungo sa isa na namang pagkapanalo sa pamamagitan ng unanimous decision.
Dahil sa tagumpay sa kanyang debut sa ONE Super Series, umangat ang record ni Buntan sa 21 na panalo at 5 na talo.
Sa main event, ang Dutch fighter na si Ilias Ennahachi ay nanatili bilang ONE kickboxing flyweight champion matapos talunin si Thai Manachai Yamsiri.
Sa kabila ng ipinakitang galing sa pagsipa ni Yamsiri, na mas kilala sa pangalang Superlek, sa huling mga segundo ng laban, nakumbinsi pa rin ni Ennahachi ang mga hukom at makuha ang panalo sa pamamagitan ng isa na namang unanimous decision.
Nakatakdang ipagtanggol ni Ennahachi ang kanyang titulo sa susunod na laban sa naghaharing ONE muay thai flyweight champ na si Tinnakorn Srisawat.
Ipinakita ni Srisawat, na mas kilala bilang Rodtang Jitmuangnon, na nais niyang maging isang two-belt champ ng talunin niya si Tagir Khalilov ng Russia sa sa pamamagitan ng isang split decision.
Ipagtatanggol muna ni Srisawat ang kanyang muay thai belt laban kay Jacob Smith ng England sa ONE on TNT 1 sa Abril 7.
Sa nag-iisang mixed martial arts match sa fight card, si Victoria Lee, sa kanyang inaabangang debut, ay nagwagi laban kay Sunisa Srisen.
Ang nakababatang kapatid na babae nina Angela at Christian Lee ay nagbuklod ng isang mabagal na pagsisimula at nagsagawa ng isang rear-naked choke kay Srisen na pinilit siyang mag-tap sa 1:03 mark ng Round 2.
Sa iba pang laban ng gabi, naungusan ni Hiroki Akimoto ng Japan si Zhang Chenglong ng China sa pamamagitan ng isang unanimous decision.