X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

How Employers Can Apply For SSS Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program

by | Posted on: April 16th, 2020 | No Comments | News

The Social Security System released a step-by-step procedure on how eligible employers can apply for its Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program.

President Rodrigo Roa Duterte has approved a 50.8-billion wage subsidy program to extend the government’s financial aid to an estimated 3.4 million middle-class workers whose jobs got affected by the COVID-19 crisis.


Q: Ano ba ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) program?
A: Ang SBWS ay programa ng gobyerno na magbibigay ng ayuda sa milyong empleyado ng
1.5 milyong small businesses nationwide na apektado ng quarantine.

Q: Para saan ba itong SBWS program?
A:

  • Bigyan ng ayuda ang mga kwalipikadong empleyado ng small businesses (na karamihan ay middle class) na hindi nakakapagtrabaho at nasuswelduhan dulot ng quarantine.
  • Tulungan ang mga small businesses na kapos sa pera na mapanatili ang kanilang mga empleyado.

Q: Paano matatanggap ng empleyado ang ayuda?
A: Paraan ng pagtanggap ng ayuda:

  1. Withdrawal sa ATM sa pamamagitan ng SSS UMID card ng miyembro.
  2. Withdrawal mula sa bank account na registered sa My.SSS ng empleyado.
  3. Employee Union Bank Quick Card.
  4. Paymaya account ng empleyado.
  5. Cash-pick-up arrangement sa pamamagitan ng money remittance transfer companies.

Q: Ano ang mga small businesses na maaring mag-apply?
A:

  • Small businesses, o lahat ng hindi kasama sa listahan ng BIR Large Taxpayers Service (LTS).
  • Small businesses na napilitang magsara pansamantala magsuspinde ng trabaho dahil sa quarantine (ECQ) o pinayagang mag-operate ng skeleton force.
  • Lahat ng apektadong small businesses ay tutulungan, ngunit ang pangunang makakatanggap ng tulong na ito ay ang mga sumusunod sa patakaran ng SSS at BIR.

Paalala: Ang aplikasyon ay gagawin ng small businesses employers para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS account.

Q: Sino ang mga empleyadong maaring i-apply ng kanilang mga employer?
A:

  1. Nagtratrabaho sa isang eligible small business.
  2. Aktibong empleyado ng nasabing small business hanggan March 1, 2020 ngunit hindi nakatanggap ng sweldo ng dalawang linggo o higit pa, dahil sa pansamantalang pagsara ng negosyo.
  3. Kahit anong contract status (hal. regular, probitionary, regular seasonal, project-based, fixed-term).
  4. Sertipikado ng employer na pasok sa criteria na nabanggit.

Paalala: Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020).

Q: Ano ang mga kundisyon para as SBWS program?
A:

  1. Hindi maaring tanggalin sa trabaho ang empleyadong nakatanggap ng wage subsidy.
  2. Ang empleyado ay hindi maaring magresign sa loob ng ECQ period.

Q: Ano ang schedule ng pag-aaply para sa programa at pagkuha ng wage subsidy?
A:

Schedule ng SBWS
Application periodApril 16 to 30, 2020
Distribusyon ng unang trancheMay 1 to 15, 2020
Distribusyon ng pangalawang tranche (Maaring magbago, depende sa schedule ng ECQ)May 16 to 31, 2020

Q: Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?
A:
Step 1: Gamitin ang inyong web browser, pumunta sa www.bir.gov.ph. Siguraduhin na meron kayong stable internet connection.
Step 2: I-click ang SBWS icon na matatagpuan sa BIR homepage.
Note: Maari ring pumunta diretso sa o sa www.bir.gov.ph/images/sbws/index.php.
Step 3: I-enter ang 9-digit TIN sa Search field. Siguraduhin na ang TIN ay valid at pagma-may-ari ng employer. Nirerekomenda ng BIR na i-check ng employer ang kanyang Certificate of Registration para siguradong tama ang mailagay na impormasyon. Pagkatapos ilagay ang TIN, i-click ang “Search”.

Kung ikaw ay kwalipikado, maglalabas ng green prompt ang system. Kapag ikaw ay isang corporation, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name at passcode.

Kapag ikaw ay isang sole proprietorship, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name (name of owner), business name, at passcode.

Kopyahin ang passcode.

Kung ikaw ay hindi kwalipikado o mali ang TIN na nailagay, maglalabas ng red prompt ang system.

Kung may katanungan tungkol sa eligibility criteria, maaring magpadala ng email sa SBWS_BIRquery@bir.gov.ph na may kasamang impromasyon: TIN, registered name or business name, RDO where registered, at inyong mensahe.

Step 4: Tandaan o isulat ang ‘Passcode’ dahil kailangan ito sa pag-aaply para sa SBWS. Pagkatapos makuha ang passcode ay pumunta na sa www.sss.gov.ph para maglog-in sa inyong My.SSS account.

Q: Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?
A:

  1. Dapat mag-apply ang mga eligible employers para sa SBWS program sa SSS website gamit ang kanilang My.SSS accounts.
  2. Tatanggap ang SSS ng mga applications mula sa April 16 – 30, 2020.

Step 1: Pagkatapos i-check sa BIR SBWS portal kung eligible ba ang inyong small business, pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-log in sa inyong My.SSS account upang simulan ang application process.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.

Step 2: Pagka-log in sa inyong My.SSS account, i-click ang “Small Business Wage Subsidy” na tab.

Step 3: I-copy ang passcode na nakuha mula sa BIR search system at i-paste ito sa My.SSS SBWS portal. Pagkatapos, i-type ang Taxpayer Identification Number (TIN) ng employer.

I-click ang “Proceed” button pagkatapos para makapasok sa application portal.

Step 4: Pagkapasok sa system, makikita ninyo ang inyong listahan ng employees. Dapat piliin ng employer ang mga eligible employees sa pamamagitan ng pag-click ng box sa kaliwa. Paki-click din sa kanan kung ang empleyado ay CAMP beneficiary.

Step 5: Kung wala ang employee sa listahan ng SSS, ibig sabihin ay hindi siya registered sa My.SSS o kulang ng impormasyon ang kaniyang My.SSS account.

Pagkatapos i-select ang mga eligible employees, kailangan i-type ng employer ang TIN ng bawat isa sa kanila.

Step 6: Kailangan ng employer sumang-ayon sa Employer’s Undertaking ng SBWS:

  • Lahat ng impormasyon na nasa application ay totoo, tama, at kumpleto.
  • Lahat ng employees ay binigyang-alam ng uri ng application at nasabihan ang mga qualified at ipinaliwanag naman ang dahilan ng pag-disqualify doon sa mga hindi.
  • Lahat ng qualified employees ay alam ang layunin ng pagbahagi ng kanilang personal at/o sensitive personal information sa SSS, DOF, at BIR, at nagbigay ng full consent tungo rito.

Step 7: Tandaang kailangang magsumite ang employer ng Certification Attesting to the Work and Pay Status of Employee sa SBWSCertifications@sss.gove.ph pagkatapos ng application.

I-click ang “Employer Certification Template” para ma-download ang template na gagamitin pagkatapos ng application.

Kung sang-ayon sa Employer’s Undertaking at na-download na ang “Employer Certification Template,” i-click and “I Agree”.