X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Jan Jervie Mercado Gustong Makipag-Areglo Kay Grab Driver Reynaldo Tugade

by | Posted on: September 13th, 2019 | No Comments | News

Si Jan Jervie Mercado ay umaasang makikipag-areglo si Grab driver Reynaldo Tugade at hindi na ipagpatuloy ang kaso laban sa kaniya.


Ayon sa panayam ng GMA News kay Mercado pinagsisihan niya na daw ang nangyari at dapat daw sana nung una pa lang ay nagpakumbaba na kaya’t naging moral lesson na daw ito sa kaniya.

Subalit ang iba niyang pahayag ay hindi sinang-ayonan ni Tugade at ito daw ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Isa doon ay ang pagsabi niya na ang Grab driver daw ang nag-provoke ng away dahil siya ay tinulak daw nito.

“Pino-vroke lang din niya ako na suntukin ko siya eh,” sabi ni Mercado.

“Tinulak niya po ako ng dalawang kamay. Pinagduduro niya tapos pinagmumura niya yung mga kapatid ko tsaka yung sasakay sa kaniya mga babae, tiyahin ko, kaibigan ng girlfriend ko, tapos yung girlfriend ko,” sabi pa niya.

Kung doon naman sa areglo, ayaw ni Tugade at kung gugustuhin man ay sisingilin niya ng malaking halaga na di kayang mabayaran.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento.