Pinoy Box Break | Pinoy News

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang Halimaw Raw Sa Lakewood, Zamboanga Del Sur? | March 17, 2019

by | Posted on: March 19th, 2019 | No Comments | Entertainment
twitter share button

May mga residente na naninirahan malapit sa Lakewood sa may Zamboanga del Sur na naniniwala na may kakaibang nilalang na lumalangoy sa lawa.

Ayon sa isang residente na umano’y nakakita sa halimaw, ang ulo daw nito ay may tatlong dipa ang haba, kulay itim at meron pa itong palikpik.

Ang tawag ng mga taga roon sa nilalang na ito ay “busiso”.

Sumasalakay raw ang busiso kapag may isang awitin ang kinakanta habang nasa gitna ng lawa.

“Ang sasakyan ko ay gimpapa,
Ang sagwan ko ay lumbayao

Di ako sasampa sa maalat
doon ako sasampa sa matabang”

Heto raw ang ginawa ng isa sa mga ninuno ng tribo Subanen.

Habang kinanta ang awitin na iyon bigla na lang daw dumilim ang paligid. Yun pala, nasa loob na sila ng tiyan ng busiso.

Nilabanan nila ang halimaw at sila’y nagtagumapay. Nang nakalabas na sila sa tiyan ng busiso, nag-iba na raw ang kulay ng kanilang mga mata.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply