Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang Halimaw Sa Karagatan Ng Buruanga, Aklan | February 24, 2019

by | Posted on: February 25th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

May umaaligid-aligid daw na isang halimaw sa karagatan ng Buruanga sa may Aklan?

Ayon sa kuwento ng Kapuso Mo, Jessica Soho may isang 54-anyos na mangigisda ang nawawala sa lugar matapos itong pumunta sa dagat.

Sanib pwera and mga kinatawan ng Philippine Coast Guard, mga taga Buruanga Municipal Disaster Risk Redecution And Management Office (MDRRMO) at mga mangingisda ng Buruanga para hanapin ang nasabing tao na nawawala.

Ayon sa mga bali-balita sa lugar nila, inatake daw ang taong yaon ng pinangangambahan nilang halimaw na nakatira sa kanilang karagatan.

“Maitim sa taas, nakakatakot nga tingnan kung sa laot eh,” sabi ng isang residente.

Sabi din sa kuwento, pagkalipas ng ilang araw nung mawala si Pilo (ang nawawalang mangingisda), tone-toneladang isda sa dumagsa sa kanilang pampang.

Idinulog ng team ng KMJS sa isang eksperto sa Aklan Research Center for Coastal Studies para matingnan at malaman kung anong uri ng hayop ang nakita sa lugar.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply