Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang Mahiwagang Electric Bill Sa Oroquieta City, Pagmamay-ari Raw Ng Isang Engkanto?

by | Posted on: April 23rd, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Isang residente ng Oroquieta City sa may Misamis Occidental nakatanggap ng isang electric bill na nagkakahalaga ng 91,525.84 pesos.

Ayon sa residente na si Shirley Prieto, ang pinagtatakahan niya kung sino si Maria Prieto ang pangalan na nakatatak sa resibo. Datapuwa’t magkapareho sila ng apelyido pero wala sa kanilang lugar misteryosong tao na iyon.

Doon na nagsimula ang mga kwento-kwento sa kanilang komunidad dahil hindi pala ito ang unang pagkakataon na ito ay nangyari.

Noong dekada 80 mga residente sa barangay Pines sa Oroquieta City nakatanggap ng isang ID na nakapangalan sa isang Aurora Taplac na pinaniniwalaan na ina ni Maria Prieto.

Ayon sa kwento ang ID na natanggap nila galing sa postman ay lesensya raw dahil si Aurora Taplac ay pumasa raw sa teacher’s board exam.

Subalit nagkagulo ang mga residente dahil wala naman daw na tao sa kanilang lugar na may pangalan na ganoon.

Mas lumalim pa ang istorya nang may isa pang residente ang nagsabi na si Aurora Taplac ay hindi ordinaryong tao at ito raw ay isa palang engkanto.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply