X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Aswang Sa Himamaylan City, Negros Occidental Na Huli-Cam? | April 28, 2019

by | Posted on: April 30th, 2019 | No Comments | Entertainment

Isang yanggaw o aswang ang gumagala-gala umano sa Himamaylan City sa may Negros Occidental.


Malapit dalawang oras na biyahe mula sa Bacolod City ay matatagpuan ang lungsod ng Himamaylan. Ang mga residente ng barangay Aguisan ay nabulabog dahil sa napapabalitang aswang sa kanilang lugar.

“Medyo naabala ang mga tao dito hindi makatulog ng maaga kasi first time na nangayari dito sa aming barangay,” sabi ni Barangay Captain Richard Genada.

Ayon sa mga taga roon ang aswang daw ay mahilig dumapo sa mga bubongan ng mga bahay at nagpapakita raw ito sa pagitan ng alas-sais at alas siyete ng gabi.

“Hindi na kami lumalabas ng bahay kapag alas-sais na eh! Kasi alas-sais at alas siyete raw umaatake. Lumilipad-lipad,” sagi ng isang taga barangay Aguisan.

Pinuntahan ng grupo ng KMJS ang lugar para imbestagahan ang napabalitaang yanggaw at konpirmahin kung totoo nga ito.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.