Isang babae na tilang may split personalities and itinampok sa programa na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Isang boyfriend, walo-walo ang girlfriend? It’s really complicated.
Kung sa isa pa nga lang pahirapan ng pakisamahan paano pa kaya kung meron kang walong karelasyon?
Ito ang sitwasyon ni Louie limang taon nang in a relationship sa walong babae?
May call center agent, wannabe actress, babaeng palaban, emo, matured na ina, geek, lesbian at meron din daw isip bata? At ang walong ito sama-sama sa iisang bubong.
Dahil ang lahat ng babaeng ito nasa iisang katauhan lang daw ni Jeci ang karelasyon ni Louie na tilang sinasapian daw ng iba’t-ibang mga persona.
Una silang nagkakilala nung 2014 sa isang job interview.
“Kung hindi mo siya kilala ang unang impresyon mo sa kaniya ay elegant. Pero, kapag nakausap mo siya madaldal naman pala at kikay,” sabi ni Louie.
“Parang witty girl, intelligent girl. Basta that time hindi ko siguro siya ma-distinguish kasi parang merong paiba-iba sa personality niya,” sabi pa ng karelasyon ni Jeci.
Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.