Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Imbis Na Gumanda, Nagmukhang Witch Sila | March 24, 2019

by | Posted on: March 26th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Tatlong residente sa may Lamitan sa Basilan ang nagbago ang anyo at may mga taga doon na natatakot sa kanila.

Usap-usapan sina Marimar, Jolina at Bea sa kanilang lugar dahil sa nangyari sa kanilang mga mukha.

“Nakakatakot po yung itsura nila paglabas nila kapag gani,” sabi ng isang residente sa Lamitan.

“Mukha na siyang witch, lumulobo na ang mga mukha nila. Sobrang tangos na ng mga ilong nila, humahaba na rin ang mga baba nila,” sabi pa ng isang residente.

Ang dahilan pala kung sa pag-iba ng kanilang mga anyo ay dahil nagpaturok sila ng baby oil sa isang nagpangap na beauty surgeon.

Noong 2018, may nakilala ang tatlo na pangalan ay Bela o Belay na isang beki din na nagtratrabaho sa Malaysia.

Inalokan daw sila ng instant retoke sa halaga lamang na 500 pesos.

Na inganyo naman ang tatlo dahil sa gusto nilang ma improve ang kanilang mga itsura. Subalit, na-scam sila at imbis na gumanda iba ang naging resulta.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply