Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ispiritung Nangangambala | March 24, 2019

by | Posted on: March 25th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Isang residente sa Lucena, Quezon ay tila di raw tinatantanan ng mga kaluluwang hindi matahimik.

The Poltergeist

Na-hulicam sa CCTV sa isang bahay sa Lucena, Quezon ang misteryosong paggalaw at pagkabasag ng mga gamit… kahit wala namang tao! Paniniwala ng mga taga-rito, gawa raw ito ng masamang elemento! Panoorin ang video! #KMJS

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, March 24, 2019

Ayon sa kwento ni Sophia, bata pa lang daw siya ay meron na siyang nararamdaman na mga bagay na hindi maipaliwanag.

Lumaki siya sa lumang bahay ng kaniyang lola at isang beses nagising na lamang siya na merong maitim at may mapulang mata na lalaki na sumasakal sa kaniya.

“Lalaking matangkad, mapayat tapos bigla niyang sinakal ako. Gusto kong magsabi ng ‘In Jesus name’ para matangal siya pero hindi ako makapagsalita,” sabi ni Sophia.

“Tapos nung makapagsalita na ako nawala siya,” sabi pa niya.

Dahi sa pangyayari na iyon nagpasya si Sophia na lisanin ang lumang bahay.

Subalit nung nasa bagong bahay na siya, parang sinunsundan pa din siya.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply