X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS): Mga Nawawalang Brief Ni Kuya, Sino O Ano Kaya Ang Kumukuha? | August 19, 2019

by | Posted on: August 20th, 2019 | No Comments | Entertainment

Isa na namang kaso ng nawawalang brief ang naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho.


Sa featured video na ito, nagtungo ang team ng KMJS sa Goa, Camarines Sur para imbestigahan ang isang reklamo hinggil sa nawawalang damit na panloob.

Kung noon ay mga panty ngayon naman ay briefs ang ninanakaw sa isang lalaki na taga roon.

Ayon kay Rico Laurenciano umabot na daw sa 15 na damit na panloob na kaniyang pagmamay-ari ang nawawala sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ang nakawan ay nangyayari daw sa pagitan ng alas siyete hanggang alas diyes ng gabi.

“Paisa-isa lang sir, kapag naliligo ako sinasampay ko isa lang yung nawawala,” sabi ni Rico. “Kada paligo ko nawawala talaga ang brief ko sa labas,” sabi pa niya.

Hindi biro ang mawalan ng damit panloob kay para Rico dahil aabotin siya ng halos isang oras sa paglalakad kung kailangan niyang bumili ng panibago sa bayan.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento niya.