Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Misteryosong Kamay Na-Picturan Sa Panglao, Bohol | March 24, 2019

by | Posted on: March 25th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Kamay raw ni Hesu Kristo ang misteryosong imahe nana-picturan sa isang beach sa Panglao sa may Bohol.

Ayon sa kwento, ang dose anyos na si Pedrito ay naisipang magpicture-picture kasama ang kaniyang kalaro gamit ang kaniyang cellphone.

Nang tingnan nila ang larawan, may nakita silang tila parang kamay na lumulutang sa mga ulap.

Walang ideya ang magkaibigan kung kanino ang kamay na iyon. Kahawig daw nito ang kamay ng Sacred Heart of Jesus.

“Hindi sila maniwala, edit daw. Sabi ko hindi yun edit kasi hindi ako marunong,” pagsalaysay ni Pedrito.

Nung last year pa raw nila nakuha ang picture na yun sa panahon ng Martes santo. Pero sa takot na baka sila’y pagtatawanan sinadya na lang nila na ito’y itago na lamang.

Panoorin ang video sa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Leave a Reply