Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Rasha Mae Sarne Ang Babaeng Nakakakita Ng Hinaharap? | February 3, 2019

by | Posted on: February 4th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Si Rasha Mae Sarne na taga Dumaguete City ay parang may abilidad gaya ni Nostradamus kung saan nakikita niya magaganap sa hinaharap?

Noong gabi ng January 3 may napaniginipan raw si Rasha kung saan maraming tao ang nagsisitakbuhan.

Marami daw patay at mga dugu-an ngunit bago daw ito nangyari meron syang nakitang lalaki na nakasuot ng itim na damit at may dala-dala daw itong maliit na device na kulay orange na kasinglaki ng calculator.

Pagkatapos siya’y nagising at saka pinost nya ito sa kaniyang facebook account para mag-silbing babala.

Sabi nya sa kaniyang post, may mangyayaring bombing sa may parti ng Mindanao before or after January 26, sabi ni Rasha.

Nang dumating ang araw ng January 26 laking pasalamat ni Rasha dahil wala namang may nangyari subalit nung sumunod na araw, January 27, ginulat ang karamihan dahil sa Jolo, Sulu bombing kung saan kumitil ito ng dalawampu’t dalawang buhay at mahigit sa isaang daan ang sugatan.

Hindi lang ito ang nakita ni Rasha sa kaniyang paniginip at marami pang iba.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply