Pinoy Box Break

Loading...
Loading...

Kapuso Mo, Jessica Soho: Sanggol Pinalitan Daw Ng Aswang Sa Iloilo? | March 31, 2019

by | Posted on: April 1st, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Nabulabog ang mga residente ng barangay Cayos sa may Dumangas, Iloilo nung March 25 dahil sa isang kumakalat na balita.

Ayon sa impormasyon na nasagap ng RMN Iloilo, pinalitan daw ng aswang ang isang dalawang buwang sanggol sa nasabing lugar.

Ayon sa nanay ng sanggol napansin niya after two weeks na ipananganak niya ang kaniyang baby ay nagsimula itong umubo at doon din nagsimulang umiiyak.

Isang araw ng siya gumising sa pagkaidlip nakita niya na hindi na humihinga ang bata.

Ayon sa doctor na tumingin sa kay “Toto” nire-revive na lang ang sanggol.

Subalit ang pamilya hindi naniwala na patay na ang dalawang buwang paslit.

“Hindi ako magpati, kasi naramdaman ko eh. Hindi patay si Toto buhay yan,” sabi na Maria ang lola ng baby.

Meron din na pansin ang nanay ng bata na bigla na lang daw bumigat ang kaniyang baby.

“Pagkakarga ko sa kaniya yung timbang parang hindi normal na bata. Sabi ni mama parang ang bigat ni Toto, sabi niya baka inengkanto daw inaswang hindi namin inalagay sa morgue sabi ni mama dalhin natin pauwi. Kasi malakas yung loob niya buhay si Toto eh,” sabi ni Jean ang nanay na baby.

“Tawag kami ng albularyo,” pagdagdag pa niya.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Loading...

Leave a Reply