Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Sea Monster (“Kugtong”) Sa Lapu-Lapu City Kaya Daw Kumain Ng Tao?

by | Posted on: April 23rd, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Isang higanteng isda raw sa may Lapu-Lapu City sa may Cebu ang sinasabing kaya raw kumain ng tao?

Ayon sa mga residente sa lugar meron isang pabrika ng harina ng umano’y nag-aalaga sa misteryosong isda na kung tawagin nila ay “kugtong’.

Sabi sa kwento ng mga taga roon, ang dahilan raw bakit lumago at umunlad ang pabrika ay dahil sa isda na iyon at kung saan ang ginagamit nilang pagkain ay mga trabahante raw nila.

Nung una marami ang lumalangoy sa dagat malapit sa lugar ngunit ng may napabalitaan ng atake mula sa kugtong wala ng tumangka pang sumisid ulit.

Ayon kay Fernando Anore, nasaksihan raw niya paano umatake ang sea monster sa isa kaniyang kasamahan.

“Pagpana niya inanuhan siya nung isda tinamaan yung ano niya (ulo) hindi na siya bumalik. Mula noon wala ng nanisid doon,” sabi ni Fernando.

Ayon naman sa isang historian na si Ma. Dolores Llenos, bago pa dumating ang mga kastila sa Cebu may isang lugar raw na kung saan naging unang tirahan ng kugtong.

Sa lugar ng Alcantara kapansin-pansin na may isang malaking istatwa ng isang isda kung saan pinaniniwalaan ng iyon ay kugtong.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply