Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Siyokoy Sa Barobo River, Surigao Del Sur? | March 3, 2019

by | Posted on: March 4th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Ang ilog ng Barobo sa Surigao del Sur ay tinaguriang cleanest water in the Philippines subalit meron palang kuwentong bayan sa likod nito?

Ayon sa mga ilang residente na taga doon ang dahilan raw kung bakit parang crystal clear ang tubig sa ilog ay may di pangkaraniwang nilalang ang lumilinis rito.

Ito raw ay isang siyokoy?

Isa si Margarita Gomez ang nakasaksi raw na meron talagang siyokoy sa ilog.

“Naglalaba pa ako dito dati. May nakita akong parang pusa sa ilalim ng tubig,” sabi ni Margarita.

“Siyokoy siguro ‘yun siya kasi nasa ilalim ng tubig. Sanay na ako dati dito. Dahil sa trabaho ko. Kahit gabihin ako dito hindi ako natatakot,” pagdagdag pa niya.

Ayon naman sa isa pang residente na si Bong, ang dati daw nilang kasambahay ay naging nobyo pa daw ang siyokoy?

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply