X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: UFO Namataan Daw Sa Capas, Tarlac? | May 5, 2019

by | Posted on: May 6th, 2019 | No Comments | Entertainment

Nakuhanan daw ng video ng isang residente sa may Capas sa Tarlac ang isang UFO na umaaligid-aligid sa araw.


Nagsimula ang kwento nito sa Lingayen, Pangasinan kung saan mga taga roon nakita ang araw na may pumapalibot na parang halo.

May mga paniniwala ang ilang residente na taga roon na ito raw ay isang senyales na paparating na delubyo.

“Kapag nakakita ka ng ganyan magkakasakit,” sabi ng isang lalaki. “Yung pamangkin ko pagtinigin niya pag-picture niya dumugo ang ilong,” sabi ng isa pang residente.

Yung iba naman ay naniniwala na ito na umano ang isa sa mga senyales na nasusulat sa the holy bible.

“Unang pumasok sa isip ko, ah ito na ba siguro and second coming of Jesus Christ,” sabi ni John Karl Delangosa.

Subalit sa Capas, Tarlac isang tricycle driver ang naisipang videohan ang hindi pangkaraniwang araw at nagulat siya na may rumihestrong unidentified object.

“Hindi ako mapakali, tinawag ko tong mga kapit-bahay ko para tingnan nila, ayon bigla-bigla nakita nga nila,” sabi ni Romeo Malapitan.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.