Pinoy Box Break

Kapuso Mo, Jessica Soho: Who Is Ed Caluag? | March 3, 2019

by | Posted on: March 4th, 2019 | No Comments | Entertainment
facebook share button twitter share button

Isa ka ba sa mga naging curious kung sino si Ed Caluag?

The Ed Caluag Story

Hindi siya nagpunta rito para makipag-away, kundi para ibahagi ang kanyang kuwento ng katatagan at inspirasyon. Mas kilalanin natin ang paranormal investigator na si Ed Caluag sa video na ito! #KMJS

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, March 3, 2019

Si Ed ay isang Paranormal Investigator na karaniwang makikita sa mga episodes ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa tuwing may mga di pangkaraniwang pangyayari gaya ng mga multo o mga naliligaw na ispiritu si Ed ang isa sa mga tinatawagan ng programa para magbigay ng paliwanag.

Subalit nung kamakailan lamang nung na feature din sa KMJS ang umanong “Ghost Ship” sa Siquijor si Ed ay nandoon din para mag-imbestiga.

Ayon sa kaniya may mga di nakikitang nilalang daw sa lugar at dahil dun nakaramdam siya ng panghihina sa kaniyang katawan.

Ngunit napag-alaman din ng programa na ang “Ghost Ship” ay isa pa lang totoong barko.

Magmula noon naging laman na ng mga memes si Ed sa social media.

Pero para kay Ed, imbis na magalit siya sa mga kaniyang naging bashers, pinasasalamatan niya pa ito dahil ito’y naging daan para siya’y makilala.

Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply