X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Maria Salvacion Masayon Inagaw Raw Ang Canadian Husband Ni Elloraine Lamb?

by | Posted on: January 3rd, 2020 | No Comments | Viral Stories

Bumisita si Mrs. Elloraine Lamb sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para idulog ang kaniyang problema laban sa kaniyang kaibigan.


Ayon sa kaniyang naging sumbong, ang kaniyang kaibigan at schoolmate sa Adamson University na si Maria Salvacion Masayon ay naging kabit ng kaniyang Canadian na asawa na si Brighton Lamb.

Sa kasulukayan, si Maria Salvacion at si Brighton ay magkasama sa Canada habang si Elloraine naman ay nandito sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng complainant, tinulungan niya si Maria Salvacion na makapunta sa Canada para maiangat ang kaniyang buhay.

Ang plano ni Elloraine ay pansamantalang magtrabaho ang kaniyang kaibigan bilang babysitter ng kaniyang 17 months old na anak at tinitiyak niya na pagkalipas ng 24 months ay makakakuha na ang kaniyang beshie ng residence visa.

Ngunit ito pala ay maging simula ng kaniyang bangungot. Ang taong gusto niyang tulungan ay naging sanhi ng pagkawasak ng kaniyang pamilya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.