Pinoy Box Break

Mga Nanakit Kay Grab Driver Reynaldo Tugade Nasa Kalaboso

by | Posted on: September 12th, 2019 | No Comments | News
facebook share button twitter share button

Mga sangkot sa pananakit kay Grab driver na si Reynaldo Tugade ay nasa kulungan na.

Si Jan Jervie Mercado at ang kasintahan nito na si Rhea Sangil ay kapwa sinampahan ng kaso. Si Mercado ay merong kaso na physical injury at maliscious mischief habang si Sangil naman ay physical injury ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2 P/Chief M/Sgt. Niño Castillo.

Ayon sa viral video, makikita na mahinahon na nag papaliwanag ang driver na apat lamang ang pwede niyang maisakay dahil sa polisiya ng Grab.

Ngunit para kay Jan Jervie dahil bata ang isang pasahero ay pwede na itong hindi bilangin kagaya ng mga matatanda.

Pero para sa mga taga-Grab regardless of age, dapat i-consider na “as another passenger” yung bata.

“Following the safety standards of car manufacturers having a maximum capacity of 5 passengers for car including the driver, Grab Cars can only accommodate up to 4 passengers”, ayon sa Grab.

“Children, regardless of age, shall be counted as one passenger,” dagdag ng kumpanya.

Kawawang grab driver sana mabigyan ng hustisya si manong 😡

Posted by Travel the WORLD on Tuesday, September 10, 2019

Leave a Reply