Si Mr. Allan Aballe bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para magpatulong na mabuo ulit ang kaniyang pamilya.
Ayon sa kaniyang sumbong, nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang misis at siya’y nakapagbitiw ng masasakit na mga salita.
Una sabi niya, ang ugat ng kanilang pag-aaway ay may kinalaman sa pinansyal pero maliban pa doon meron din siyang sama ng loob sa kaniyang misis na si Mrs. Aiza Aballe ay dahil hindi daw ito pumapayag na makipag-video call sa kaniya.
Si Mr. Aballe ay isang OFW na nagtratrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia.
“May kaunti kaming away tungkol sa pinansiyal sir ba tapos nakapagsalita ako sa kaniya ng masakit ba. Tapos nagalit siya sa akin na nabanggit niya na gusto niyang makipaghiwalay sa akin kasi masakit akong magsalita” paliwanag ni Allan.
Tinanong ni idol Raffy sa complainant ang iba pang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan at doon na banggit na niya ang tungkol sa video call.
“Gusto ko sanang mag-video call kami ng isang beses isang buwan ayaw niya kasi sabi niya wala namang namatay sa lungkot,” sabi pa ni Allan.
Para magkaliwanagan, tinawagan ng show si Aiza para mapakinggan din ang kaniyang panig.
Habang lumalalim ang kanilang pag-uusap ay may na diskubrehan sa pagtao ng complainant na kung saan tinapos na kaagad ni idol Raffy ang segment dahil hindi niya ito nagustuhan.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kanilang kuwento.