X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Nanay Na Sinampal Ng Tsinelas Ng Dahil Sa Sushi Ipinasyal Ng Taga Malacañang Nung Mother’s Day

by | Posted on: May 23rd, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Maria Magdalena Austria ang Nanay na sinampal ng tsinelas ng dahil sa sushi ay bumalik sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para magpasalamat.


Ayon kay nanay Magdalena ang dalawang anak niya na babae ay umalis na sa kaniyang bahay.

Ang bunso niyang anak ay lumayas na at ang panganay naman ay nagkaroon sila ng kasunduan na magkaroon muna ng espasyo sa isa’t isa para magkaroon din ng sabikan hanggang tuluyan ng maghilom ang nauna nilang hindi pagkakaunawaan.

“Yung pong panganay nagpakasunduan po namin, di po nagkaayos po kami. Ngayon po nagpakasunduan po namin magkaroon kami ng espasyo sa isa’t isa,” sabi ni nanay.

“Yun pong parang maglalayo po muna kami para po magkaroon ng thrill pag nagkita uli. Yun pong sabikan po,” sabi pa niya.

Isa din sa mga dahilan kung bakit nagsadaya uli si Mrs. Austria sa programa ni idol Raffy ay dahil sinabihan din siya ng show host na kung may kailangan pa siyang tulong ay pwede siyang bumalik.

Marami sa mga gamit sa kaniyang bahay kagaya na lang ng refrigerator ay pagmamay-ari ng kaniyang anak. Nung lumipat ang mga ito ay dinala din nila.

Humingi siya ng tulong kay idol Raffy kung pwede siya tulungan dun para na din sa kaniyang pangkabuhayan. Pinaunlakan din ito ni idol Raffy at nangako na ito’y tutuparin.

Nai-share din ni Mr. Tulfo kay nanay Magdalena na ang video niya ay nag-viral sa social media at marami nagsabi na mga netizens na sana siya na lang ang naging nanay nila.

Naikuwento din ni nanay Magdalena na nung Mother’s Day may isang piloto at isang kapitan na kapwa taga Malacañang ang nag-treat sa kaniya nung araw ng mga nanay.

“Meron nga pong isang pumunta sa amin, itinreat po ako nung Mother’s Day taga Malacañang po,” pagsalaysay ni nanay Magdalena.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.