Pinoy Box Break

Pagkatapos Hagisan Ng Taho, Si PO1 William Cristobal Ay May Valentines Day Na Pakulo Sa Mga Pasahero Ng MRT

by | Posted on: February 14th, 2019 | No Comments | News
facebook share button twitter share button

Si PO1 William Cristobal at ang kaniyang mga kasamahan ay may Valentines day na pakulo sa mga pasahero ng MRT.

Pagkatapos Hagisan Ng Taho, Si PO1 William Cristobal Ay May Valentines Day Na Pakulo Sa Mga Pasahero Ng MRT

Pagkatpos siya’y pahiya-in ng dayuhang intsik na si Jiale Zhang kamakailan lamang balik pwesto si PO1 Cristobal sa MRT station.

Subalit sa pagkakataong ito, di lang siya nag-iinspeksyon sa mga bumabiyahe. Siya, pati na din ang mga ibang pulis na assign sa lugar ay nagbibigay ng bulaklak. Bukod pa dun hinaharana din nila ang mga pasahero.

Makikita sa mga larawan na kuha ng CNN Philippines, si PO1 Cristobal ay may mga hawak na rosas sa kaniyang mga kamay.

Meron ding kuha kung saan makikita na inaabot niya ang bulaklak (siguro may dala pang kanta) sa isang babae na papasok sa platform ng MRT.

Dahil sa kaniyang pagtupad sa kaniyang tungkulin at pasensya na ipanakita sa dayuhan na nagtapon sa kaniya ng isang cup na taho, ginawaran siya ng Medalya ng Papuri (Commendation Medal) ng PNP.

Leave a Reply