X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: 13-Years-Old Na Dalagita Sinapak Sa Loob Ng Public CR | August 19, 2019

by | Posted on: August 19th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Inaksyunan ni idol Raffy Tulfo ang isang reklamo kung saan isang 13-years-old na dalagita sinapak sa isang pampubliko na banyo.


Ayon sa kwento ng dalagita na itinago sa pangalan na alyas “Julie”, binogbog daw siya ng isa ding dalagita na 16-years-old na ang pangalan ay si Angelika Tumang.

Dahil daw nahuli ni Angelika na nakikipag-chat ang kaniyang boyfriend kay Julie kaya niya nagawa ang pananakit na labis din niya ngayong pinagsisihan.

Ang pangyayari ay naganap halos mag-iisang taon na.

“Nangyari po kasi yan last year September pa po,” sabi ng nanay ng biktima na si nanay Prancela.

Ayon din sa panayam ni idol Raffy sa ina ni alyas Julie, pang-anim na beses nya na pala ito nagawa sa iba’t ibang tao.

“Hindi lang po kasi sa anak ko ginawa niyan eh meron pa pong iba. Anim pa pong may gustong magreklamo sa kaniya,” sabi ni nanay Prancela.

Base sa mga salaysay ng nanay ni alyas “Julie” sila’y nagpapahiwatig na ayaw nilang makipag-ayos at nagdesisyon na sampahan ng kaso si Angelika.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.