Si Mr. Alexander Gutal kasama ang kaniyang mga anak na sina Gracey at Xian ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong na makamit ang hinahanap nilang hustisya.
Ayon sa report, si tatay Alexander ay napagbintangan ng nambastos ng kapwa niya pasahero na babae sa loob ng dyip.
Ayon sa viral video, pagkaraan ng ilang saglit may mga ibang lalaki na sumakay din sa nasabing pampublikong sasakyan at makikita din na may sumapak kay tatay Alexander.
Ayon naman kay idol Raffy, ang complainant ay nagtungo sa isang barangay hall para huminigi ng saklolo pero imbis na tulong ang ibigay ay bubog nanaman ang kaniyang nakuha.
Pagkatapos sa barangay, nagtungo din ang senior citizen sa isang police station. Imbis na kasuhan ang mga nambubog sa kaniya pilit siyang pinag-areglo doon sa mga taong nang gulpi sa kaniya.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye.