Pinoy Box Break

Loading...
Loading...

Raffy Tulfo In Action: Anak, Na Caught-In-The-Act Si Tatay Kasama Ng Kaniyang Kabit Sa Loob Ng Banyo | June 26, 2019

by | Posted on: June 26th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
twitter share button

Si Mrs. Laarni Manao kasama ang kaniyang 7-years-old na anak na si Rom ay nagtungo sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang haligi ng kanilang tahanan.

Ayon kay Laarni na nagtratrabaho bilang isang nurse sa Jeddah, Saudi Arabia nahuli daw ng kaniyang anak ang tatay nito na may kasamang ibang babae sa loob ng banyo.

Para maliwangan, si Rom na ang pinagsalita ng kaniyang ina.

“Naalala ko po pupunta lang po ako sa banyo pero bigla ko na lang silang nakita magkatabi naliligo,” pagdedetalye ni Rom.

Maliban din dun meron pang isang pangyayari kung saan nakita din ni Rom na magkatabi sa kama ang kaniyang ama at ang kabit nito na magkayakap.

Tinawagan din ng programa ang tatay na si Edgar Manao para makapagbigay din ng kaniyang panig.

Hindi naman itinanggi ni Edgar na may kinakasama na nga itong iba sa kasalukuyan.

Ang gusto ngayon ni Laarni ay masampahan ng kaso ang kaniyang asawa.

Panoorin ang video na nasa itaas para buong malaman ang kanilang istorya.

Loading...

Leave a Reply