Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Anak Na Ngayon Ang Pumapayo Sa Mga Magulang | March 20, 2019

by | Posted on: March 20th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Mrs. Cheryl Seña bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang asawa na si Mr. Sonny Seña.

Ayon sa kaniyang sumbong, hindi na daw sila nag-iimikan ng kaniyang asawa kaya kinonsider na din niya siya ay isa ng battered wife.

Subalit hindi ito sinangayonan ng kaniyang mister dahil hindi naman daw siya nito sinasaktan.

“I don’t curse her, I don’t insult her, I don’t even hurt her physically well I don’t know how you define that,” paliwanag ni Sonny.

Pero kay Cheryl, di niya tanggap ang mga nangyayari sa kanilang relasyon na mag-asawa.

“One time sir sinabi ko, can you make love and then sabi niya tomorrow, pero hindi sir eh,” pagpapaliwanag ni Cheryl kay idol Raffy.

Nangyari din habang nagsasalita ang mag-asawa biglang sumali ang dalagita nilang anak na nakikinig din pala sa diskusyon.

Kinuha-an ni idol Raffy ng opinyon ang anak at pinasalita niya kung anong mabuting solusyon para magka-ayos ang kaniyang mga magulang.

“Actually kung anong magpapasaya sa kanila, kung gusto nilang malaya sila sa isa’t isa it’s ok,” sabi ng kanilang daligatang anak.

Kahit si idol Raffy napahanga sa sagot ng bata.

Panoorin ang video sa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Leave a Reply