Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Ang Sigang Live-In Partner Ni Ma’am Nagsusuot Daw Ng Bra Habang Nakikipag Video Call? | April 4, 2019

by | Posted on: April 4th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Mag-amang Antonio at Rizel Tabulao bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang dating kinakasama ni Rizel.

Ayon sa kanilang reklamo, pinagkakalat daw ni Mark Anthony Calleja ang mga malalaswang larawan kasama ang kaniyang dating live-in partner.

Isinalang ang dalawang panig sa “face-to-face” segment ng programa at sila’y hinayaan ni idol Raffy na makapagsalita muna para mapakinggan ang kanilang mga panig.

Itinanong ni Rizel sa kaniyang dating kinakasama kung bakit niya ginawa ang pagkakalat ng kanilang hubad na litrato sa social media.

“Gusto ko lang munang itanong sa’yo bakit mo nagawa sa’kin ‘to? Wala akong ginawang masama sa iyo Mark bakit nagawa mong sirain ang buhay ko?” Mga panimulang tanong galing kay Rizel.

Subalit itinanggi ng nirereklamong panig ang mga paratang sa kaniya.

“Wala kasi talaga ako po sir Raffy Tulfo na kinalaman sa pagpapalabas ng ano na ‘yon. Ang natatandaan ko meron kaming pictures noon it’s about past 2015 pa or 2014. Pero simula nun wala na po akong pictures kasi hindi naman talaga kami mahilig mag-pictures ng mga ganyan po,” pagpapaliwanag ni Mark.

Habang tinatalakay ang issue may naungkat na marahil ikinagugulat ng mga taga subaybay ng programa.

Ayon kay Rizel may isang beses daw na nag-video call si Mark at ito’y nakasuot ng bra.

“Bale ang ginawa niya sir nagvideo call siya tapos nagsuot siya ng bra tapos nilamas-lamas niya yung bra,” sabi ni Rizel.

Panoorin ang buong video para malaman ang buong istorya nila.

Leave a Reply