X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Artistahing Girl Ipinagpalit Si Ex-Barangay Chairman Kay Koreano | June 11, 2019

by | Posted on: June 11th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Kristel Nazario bumisita sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang dating kasintahan.


Humingi siya ng tulong sa program host dahil siya umano ay ginugulo at binabantaan ng kaniyang dating naging karelasyon.

Ayon pa kay Ms. Nazario, 16-years-old pa lamang siya nung naging sila’y “mag-on” ng kaniyang dating nobyo at ngayon ay 22-years-old na siya.

Sabi pa niya, kahit buntis na siya at ang ibang lalaki ang tatay ay ayaw pa rin daw siya nitong tantanan.

“Nakipaghiwalay na po ako sa kaniya tapos hindi pa rin po siya tumitigil sa panggugulo po sa amin nung mapapangasawa ko po ngayong Koreano,” sabi ni Kristel.

Sinalaysay din niya na handang sagutin ng kaniyang ex-lover ang kaniyang kasalukuyang pinagbu-buntis para hindi lang sila magkahiwalay.

Sabi ni Kristel ang tatay ng kaniyang dinadala ay ang Koreano.

Panoorin and video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.