Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Bagong BF Ni Girl Pinahiga Sa Kama Nila | March 1, 2019

by | Posted on: March 1st, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Genesis Garcia bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para humingi ng tulong.

Gusto ni Genesis na payagan siya ng kaniyang dating nakalive-in partner na mabisita ang kanilang anak na six-years-old pa lamang.

Subalit si Bernadeth Sanchez (ang dating nobya ng complainant) ay hindi pumapayag dahil daw bini-brainwash daw ni Genesis ang anak nila.

Habang sila’y nagtatalo sa hiling ni Genesis, may mga na-ungkat na mga pangyayari na naganap noon pa.

Isa na dito ay ang pagdala umano ni Bernadeth sa kaniyang bagong boyfriend sa kaniyang apartment at pinahiga pa daw sa kama nila ni Genesis kasama ang anak nila.

Ayon kay idol Raffy, pwede ma kasuhan ng child abuse si Bernadeth dahil doon.

“Yung kama niya mismo, kama ninyong dalawa, okay, yung lalaki mo hiniga mo doon at katabi mo at katabi ni lalaki yung anak ninyo, malilito ang bata rito, magkakatrauma ang bata dito ma’am in fact pwede ka ngang kasuhan ng child abuse kung tutuusin,” paliwanag ni idol Raffy kay Bernadeth.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kanilang istorya.

Leave a Reply