X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Boy, May Bitbit Na Bio-Data Nung Nanligaw Kay Madam | September 5, 2019

by | Posted on: September 5th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Myrna Roluna ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang kasalukuyang kinakasama.


Humihingi ng tulong si Myrna sa show host na hiwalayan ang kaniyang kinakasama na si Mr. Santie Delos Santos dahil hindi na nagiging maganda ang kanilang pagsasama at pagod na pagod na daw ang kaniyang puso.

Ayon kay Myrna nakilala niya si Santie na nagtratrabaho bilang isang security guard sa kanilang subdivision. Tinaggap nya raw ito na magiging nobyo dahil nagpakita ito ng mga magagandang bagay sa kaniya.

“Nakilala ko po siya dahil security guard po siya sa aming subdivision. Tinanggap ko po siya dahil sa una po’y nagpakita po siya sa akin ng good,” sabi ni Myrna.

Subalit ang pinaka-rason kung bakit pagod na pagod na ang puso ni Myrna sa kinakasama dahil ayon sa kaniya pangalawang beses na itong nambababae.

Para maliwanagan ang sitwasyon, nasa studio din ng TV5 si Santie para makapagbigay din ng kaniyang panig.

Si Santie ay 40-years-old habang si Myrna naman ay 55-years-old.

Ipinaliwanag ni idol Raffy sa kay Santie na pagod na pagod na ang puso ni Myrna dahil sa kaniyang pagkabababaero.

Ito naman ay itinatanggi ni Santie.

“Idol, hindi po ako babaero,” sabi ni Santie.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kanilang kwento.