X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Boy, Nakita Ang Kaniyang Ama Na Karga Ang Kaniyang Kabit Na Parang Baby | August 21, 2019

by | Posted on: August 21st, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Mary Rose Espina ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa mga programa niya sa TV5 na Aksyon sa Tanghali at sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang asawa.


Kasama ni Mary Rose ang kanilang kambal na anak na sina Harold Ivan at Harvy Espina.

Ayon sa kaniyang sumbong, ang kaniyang mister na si Henry Espina ay hindi raw nagbibigay ng sustento sa mga anak nila.

Ang napag-usapan daw ng mag-asawa sa PAO office ay magbibigay siya ng every week.

Tinawagan si Henry ng programa para siya din ay makapagbigay ng kaniyang panig. Ayon kay Mr. Espina dahil ang trabaho niya ay on-call driver at kung may tawag doon lang siya makapagbigay ng pera.

Dahil kapos ng oras si idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali ay inimbitahan niya ang dalawang panig na mag-guest sa Wanted sa Radyo para sila’y pag-aayosin.

Nalaman din ng show host na si Henry ay gustong makipagbalikan kay Mary Rose.

Nung sila’y nasa Wanted sa Radyo na, doon na pag-alaman na may dinala pala noon si Henry na ibang babae sa kanilang bahay habang si Mary Rose ay nasa ibang bansa at nagtratrabaho bilang OFW. Nasaksihan ng isa niyang anak na kinakarga niya ang kaniyang kabit na parang baby.

Isa yun sa mga dahilan kung bakit masama ang loob ng kaniyang mga anak sa kaniya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.