X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Boy, Pinabili Ng Hotdog Pero Footlong Ang Inuwi | July 4, 2019

by | Posted on: July 4th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Judilyn Almasol ay nagbabalik sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para harapin ang kaniyang asawa na tila hindi pa rin maka move-on.


Heto yung part 2 ng video na naitampok kahapon kung saan humiling ng pagkakataon si Mr. Andres Almasol na makita ang kaniyang asawa at subukin na sila’y magkaayos.

Tulad ng kaniyang ipinangako kahapon, si Andres ay nagdala ng paboritong pagkain para sa kaniyang dating may bahay at umaasa na lumambot ang loob nito.

Ngunit nananatiling buo ang desisyon ni Judilyn na tuluyan na silang maghiwalay at sustento na lang sa kanilang naging anak ang pakay niya.

Nagbatohan ang dalawang panig ng kaniya-kaniya nilang hinanakit at dahil din doon nahalungkat ang tunay na dahilan kung bakit nambababae si Andres.

Sa pag-uusap din ng mag-asawa, naikwento ni Judilyn na minsan inutusan siya ng kaniyang nanay na bumili ng hotdog subalit pagbalik nito ang bitbit niya ay footlong.

Kahit si idol Raffy ay nagulat sa usapan na yaon at natawa na lamang.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.