Si Ms. Nicole Soliman ay dumulog sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang nobyo ng OFW niyang kapatid..
Ayon sa complainant matapos na pag-aralin para makapunta sa bansang Korea ang kanyang nobyo, bigla itong nag bago, hindi na siya masyadong kinakausap at binlock siya sa messenger.
₱500,000 na yung naibigay ni Ms. Myca Soliman sa tatlong taon na magka-relasyun sila nang kanyang nobyo ayun sa panayam at humihingi pa raw ito nang pang letchon nung bagong taon.
Sabi ni Ms. Nicole “Kami nga wala na kaming nanay, wala pa kaming bahay, wala kaming sasakyan tas yung anak nyu ang hilig pong mag demand nang sasakyan”
Dahil nasa himpilan din ng Wanted sa Radyo ang ina ni Mr. Ren Matoto, may sinabi din si idol Raffy Tulfo sa kanya “nagtititake advantage dito yung anak nyu nay, the fact na maraming nirequest yung anak ninyu hindi naman basta basta magbibgay ito kung walang request yung anak nyu tulad nyan ayaw nya nang bisikleta gusto nya nang kotse”
Gusto lang ni Ms. Myca na ma deport ang boyfriend at masampahan nang kaso.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.