Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Dahil Sa 3K Na Utang, Grade 1 Student Pinatanggal Sa Listahan Ng Academic Awardees | March 25, 2019

by | Posted on: March 25th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Isang Grade 1 student sa isang eskwelahan sa Novaliches ang pinahiya raw ng school administration dahil sa utang.

Ayon sa report ni idol Raffy Tulfo sa Itimbre sa Tanghali, dahil raw sa hindi pag bayad sa 3K para sa tuition fee itinangal ang bata sa listahan ng academic awardees.

Ang masaklap pa, mismo ang bata pa ang pinasulat ng promissory note.

Para maliwanagan sa issue na ito, ininterview ni idol Raffy ang nanay ng Grade 1 student.

“Nung nalaman po na may balance pa nung araw po nung practice ng recognition nila tinawag po yung anak ko pinagawa ng promissory note tapos sabi po sa amin hindi nila pwede e-count yung score ng anak ko sa final exam dahil nga po ang policy nila ‘no permit, no exam’ so hindi siya counted tatangalin rin po sya sa recognition,” paliwanag ng nanay ng bata.

Tinawagan din ni idol Raffy ang taga DepEd sa Quezon City para malaman kung tama ang ginawa ng eskwelahan. Heto ang naging sagot ni Maria Teresa Namoro, DEPED Q.C.

“Tahasa ko pong sasabihin na it’s not the right thing to do. Kasi po ang contract ng school ay between the parent and the school. Ang bata po dun ay hindi dapat pinapirma,” paliwanag ni Ms. Namoro.

Tinanong ni idol Raffy sa nanay ng bata kung na settle na ang bayarin.

“Sir actually settled na po sya.”

Panoorin ang video sa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Leave a Reply