Si Mr. Richard Powery ay bumisita sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang dating pinay na nobya.
Ayon kay Mr. Powery na galing pa sa Cayman Islands at nagtratrabaho bilang isang taxi driver, ang kaniyang nobya na si Emelyn Cabacaan ay nag-mention sa isa nilang pag-uusap gamit ang Messenger na gusto niyang magpagawa ng bahay sa Ilagan, Isabela.
Dahil siguro sa pagmamahal na naramdan niya kay Emelyn sa mga araw na iyon ay nagpadala ito ng 10,000 USD para matupad ang pangarap ng dati niyang kasintahan.
“She mentioned early that she wanted to build a house but she did not have the money to do so,” sabi ni Richard.
Subalit nang dumaan ang mga araw ay tila may naramdaman si Mr. Powery na parang pineperahan lang siya ni Emelyn.
“And just last night I’m looking through my paperwork here and I realized she planned this all,” sabi pa ng foreigner.
Para kay idol Raffy, nakikita niya na dahil sa pangangailangan sa pera ni Emelyn ay nagawa nito na perahan ang naging nobyo na nakilala niya sa social media.
“This is my analyzation to the situation. You needed money because your husband is not supporting you, right?” tanong ni idol Raffy kay Emelyn.
“And then comes Mr. Richards, sure you’re not asking money from him but your intention was, yung bang para siya ang kusang magbigay ng pera sa’yo akitin mo siya,” sabi pa ng show host.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.