X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Girl, Pinipilit Raw Na Ipakasal Ng Kaniyang Ama Sa Taong Hindi Niya Gusto | July 10, 2019

by | Posted on: July 10th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Saimah Alim Alonto ay nagsadyang tumungo sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong para maka-usap ang kaniyang ama.

Part 1


Part 2


Ayon sa kaniyang salaysay, ang kaniyang ama raw ay pinipilit siyang ipakasal sa tao na hindi niya naman gusto.

Maliban pa dun, siya raw ay sinasaktan din dahil sa hindi niya pagsunod.

Si Saimah katulad ng kaniyang ama ay isang muslim kung saan meron silang tradisyon at kultura na naiiba sa mga kristyano.

Dahil doon, minabuti ni idol Raffy na hindi maki-alam sa mga bagay-bagay nakasaad sa kanilang paniniwala pero kung ano lamang ang nakasaad sa batas ng Pilipinas.

“Hindi kami makikialam sa patakaran niyo sa muslim. Hindi kami makikialam sa inyo pong tradisyon, sa inyo pong kultura gagalangin po naming mga kristyano,” sabi ni idol Raffy.

“Pero, gagalangin natin ang batas ng Republika ng Pilipinas kung saan lahat tayo maging kristyano at muslim ay nakapaloob sa bansang ito,” dagdag pa niya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.