Si Ms. Ena Hazel de Leon ay bumisita sa programa ni idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali para huminigi ng tulong laban sa kaniyang dating kinakasama pati na rin sa kaniyang hilaw na biyenan.
Ayon sa kaniyang sumbong gusto niyang makakuha ng nararapat na sustento para sa kaniyang mga anak mula kay Don Solis.
“Nagbibigay lang mga 1,000 ang huling bigay niya nung July 16,” sabi ni Ena.
Maliban pa dun gusto niya rin makuha ang kaniyang mga gamit subalit hindi natupad ang kanilang naunang kasunduan at hanggang ngayon di pa din natanggap ni Ena ang gusto niyang makuha na mga ari-arian.
“May usapan na po kami na sila ang sasagot ng papadala ng gamit. Sabi nila hindi daw po magtatagal ng isang linggo, at least mga isa o dalawang araw lang dapat yung gamit mapapuwi na sa Laguna,” sabi ni Ms. De Leon.
“Eh, umabot na po ng dalawang buwan wala pa rin po yung mga gamit,” sabi pa niya.
Nakausap din ni idol Raffy via sa telepono ang hilaw na biyenan ni Ena para siya naman ay makapagbigay ng kaniyang panig.
Sa panayam ni idol Raffy, nalaman na may mga ‘di pagkakaintindihan sa kanilang dalawa.
Parang umiiyak pa si Maria Dina Cardiño nung una itong nagsalita.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.