X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Idol Raffy Nangangako Na Buwagin Ang Grupo Ni Angelika Tumang Na Smoking Area Group | August 21, 2019

by | Posted on: August 21st, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Pang buena mano ni idol Raffy Tulfo sa kaniyang programa sa Wanted sa Radyo ay ang kaniyang patuloy na pag-asksyun sa kaso ni alyas “Julie” at ni Angelika Tumang.


May mga bagong impormasyon na nasagap ang show host na kung saan nalaman niya na maliban sa pambu-bully ay konektado pa sa bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na droga ang grupo ni Angelika na kung tawagin ay “Smoking Area Group”.

“Sa araw na ito ay bubuwagin natin ang isa pong kilabot na grupo na namamayagpag ngayon sa may Pampanga. Ito’y samahan ng mga kabataan kung tawagin ay ‘Smoking Area Group’,” sabi ni idol Raffy.

“Mga gangsters ito na ang kanila pong pakay ay para mambully, mambogbog ng mga dalagita at ang biktima nila ay nangagaling po sa social media,” sabi pa niya.

Tinawagan din ni idol Raffy ang Chief of Police sa Angeles Pampanga pati na din ang Regional Director ng PDEA sa Region 3 para maimbestigahan ang grupo nila at ma surveilance na din ang pinagkukuhanan ng supply ng “Smoking Area Group” na kung tawagin ay si alyas “Big Boy” o alyas “Toril”.

Panooring ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento.