X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Imbis Na Galit, Awa Ang Umiral Sa Mag-Ina Laban Kay Angelika Tumang | August 20, 2019

by | Posted on: August 20th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Bumisita si Mrs. Prancela Malinao sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo pagkatapos na ito’y imbitahan kahapon ng show host para ma-interview live sa studio ng TV5.


Kasama sa inimbitihan ay ang mag-ina na sina Eilyn ay Angelika Tumang subalit hindi sila sumipot sa hindi alam na kadahilanan.

“Ini-anyayahan po namin, napakinggan nyo naman po ito pong si Angelika saka si Eilyn Tumang na mag-ina pumayag sila pero last minute hindi na po tumanggi na hindi na po namin matawag-tawagan,” sabi ni idol Raffy kay Prancela.

Iba’t ibang personalidad ang tinawagan ng programa para magbigay ng karagdagang impormasyon para maliwanagan ang nangyaring insidente at malaman na din ang mga nararapat na pwede ma file na kaso sa mga sangkot na tao.

Kahapon, nagkita ang dalawang panig sa barangay para pag-usapan ang hindi magandang nangyari. Naitanong ni idol Raffy kay alyas “Julie” kung ano ang kaniyang naramdaman nang makita niya uli ang babaeng nanakit sa kaniya.

“Nung una po kasi namin doon sa Cutud naawa po ako sa kaniya,” sabi ni alyas Julie.

Tila nagulat pa si idol Raffy sa naging reaksyon ng dalagita at tuluyan na itong napahanga at ganoon din ang naging reaksyon ni nanay Prancela.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.