Isang insidente ng pambubully ang inaksyonan ni idol Raffy Tulfo sa Cauayan Isabela National High School matapos ito isumbong ng nanay ng naging biktima.
Ayon kay nanay Prianne, nangyari ang insidente nung Martes, September 10, 2019 at ito’y naganap sa loob ng paaralan ng kaniyang anak.
Ang pananakit ay na-record sa pamamagitan ng mobile camera at isa na ito ngayong viral video sa social media.
Sa pahayag ni nanay Prianne ang mga sangkot na mga estudyante ay nabigyan na ng three days suspension.
Nag-ugat daw ang pangyayari sa isang friendship post message ni alyas Jameela sa social media kung saan naka-tag ang kaniyang mga kaklase. Sa kasulukayan hindi na pumapasok sa paaralan ang biktima dahil sa takot na baka saktan siya ulit.
“Kasi natatakot na po ako. Baka bullihin at saktan po ulit,” sabi ni alyas Jameela.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.