Si Ms. Dolores Lezada na isang OFW sa Riyadh, KSA ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang dating kinakasama.
Ayon kay Dolores nagpadala daw siya ng halos 400K sa kaniyang ex-live-in partner na si Roderick Soria ngunit sa kabila ng kaniyang kagandahang loob siya ay iniwan at ipinagpalit sa mas bata pa sa kaniya.
Si Dolores ay 58-years-old habang si Roderick naman ay 40-years-old.
Ang pera na pinapadala ni Dolores kay Roderick ay ginamit daw sa pagpagawa ng bahay.
Subalit nung 2018 ay nagsimulang lumabo ang kanilang pagmamahalan dahil si Roderick ay umamin na may bago na raw siya.
“2018 ‘di pa tapos ang kontrata ko sinabi niya na may babae na daw siya. Bata pa, may katas pa,” paliwanag ni Dolores.
“Kaya sabi ko sa kaniya sige gawin mo ang lahat na gusto mo, magpakasaya ka. Pag-uwi ko babawiin ko lahat,” sabi pa ni Dolores kay idol Raffy.
Dahil sa mga narinig ng show host na tila nilalait ang kaniyang panauhin ng kaniyang dating nobyo ay nagpasya itong tutulungan sa kaniyang hiling.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.