Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Kasalan Na Sana, Na Bokya Pa | April 10, 2019

by | Posted on: April 10th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Mr. Vengel Serrano bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo upang humingi ng tulong para makausap ang kaniyang nobya.

Ayon kay Vengel na isang OFW nagtratrabaho sa Dammam, KSA ang girlfriend nya na si Ritchelle Baldoza ay bigla daw nagback-out sa nalalapit na sana nilang kasal.

Dalawang taon na daw silang may relasyon subalit hanggang ngayon hindi pa sila personal na nagkita.

Ayon din kay Vengel, nagkakilala lang raw sila ni Ritchelle sa pamamagitan ng social media.

Ang dahilan raw kung bakit biglang umatras ang kaniyang GF ay dahil meron daw itong third party.

“Nagbago isip po niya parang na brainwash siya nung lalaki,” sabi ni Vengel kay idol Raffy.

Para maliwanagan, tinawagan ng show host si Ritchelle para mapakinggan din ang kaniyang panig at malaman kung bakit bigla na lang siyang nagdesisyon na hindi na ituloy ang kasal.

“Kaya po ako umatras ang problema po talaga yung pag-uugali niya. Iyon po ang sinasabi ko sa kaniya,” pagpapalinaw ni Ritchelle.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Leave a Reply